-- Advertisements --
Patay ang 76 katao matapos na maaksidente ang sinakyan nilang bus sa Afghanistan.
Nangyari ang insidente sa Herat City kung saan nawalan ng kontrol ang driver at bumangga sa poste sa gilid ng kalsad.
Galing ang bus sa Islam Qala isang bayan malapit sa border ng Afghanistan at Iran at patungo ang mga ito sa Kabul.
Nagresulta ang aksidente sa pagkakasunog ng bus kung saan kasama sa mga naaksidente ang mga kababaihan at mga bata.
Nangyari ang aksidente dahil sa pinaigting na pagpapalikas ng Iran sa mga hindi dokumentadong Afghan migrants.