-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Terminated na sa kanilang trabaho ang tatlong empleyado ng Butuan City Airport matapos magpositibo sa isinagawang random drug test ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP.
Ayon kay Atty Jinky Zaragosa-Ang, acting manager ng Butuan City Airport, ang tatlo ay mula sa anim na mga airport personnel sa buong bansa na nagpositibo sa drug test, na isinagawa noong buwan ng Hulyo.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Atty Ang na sa nasabing bilang, dalawa sa mga ito ay mga job order personnel habang isa ang outsourced employee.
Napag-alamang taunan itong isinagawa ng CAAP upang matiyak na drug-free ang lahat ng paliparan sa buong bansa.