-- Advertisements --

03

Walang untoward incident na naitala ang PNP sa pangalawang araw ng National Vaccination Drive “Bayanihan, Bakunahan”.

Ito ay batay sa datos na inilabas ng PNP Monitoring Center sa Camp Crame mula sa mga pulis na nakadeploy sa 5,059 vaccination sites sa buong bansa.

Ayon kay PNP chief Gen. Dionardo Carlos, may kabuuang 16,097 pulis mula sa iba’t ibang Police Regional Offices ang nakadeploy para magpatupad ng seguridad sa mga vaccination sites sa buong bansa.

Habang 2,190 na tauhan ng PNP ang naka-deploy bilang encoder at technical support at 4,044 na miyembro ng Medical reserve force ang umaalalay sa mga DOH vaccination teams.

Binuksan naman ng PNP ang mga karagdagang kampo ng pulis sa iba’t ibang Police Regional Offices para magamit na vaccination site, na ngayon ay nasa 13 na mula sa siyam kahapon.

Una nang pinuri ni PNP Chief PGen. Dionardo Carlos ang ipinamalas na disiplina ng mamamayan na nakilakhok sa Bayanihan, Bakunahan, na dahilan para maging mas madali ang trabaho ng mga pulis.