-- Advertisements --

Inihayag ng Department of Justice ang matagumpay na pagkakaaresto sa isang mag-asawa nanuhol sa kaanak ng mga nawawalang sabungero para iatras ang kaso.

Ayon sa kagawaran, sinuhulan raw ng mga ito ang kinakasama ng isa sa mga nawawala sa halangang 1.5 million Pesos.

Anila’y layon nitong pera upang lagdaan ni Jaja, kinakasama ni John Inonog (nawawalang sabungero) ang ‘recantation’ ng reklamong inihain sa kagawaran.

Habang ibinahagi naman ni Justice Assistant Secretary Eliseo Cruz na kabilang sa mga nais maipatanggal mula sa reklamo ay ang pangalan ng negosyanteng si Charlie Atong Ang.

Nang matanong siya kung kasama si Ang sa higit 60 mga respondents sa kaso na nais maipatanggal, kanya itong sinagot ng ‘Oo’.

“Nandon, nandon siya,” ani ASec. Eliseo Cruz ng Department of Justice.

Kinilala ang naturang mag-asawang inutusan ni Butch Inonog para manuhol na sina Cristina at Alvin Bernabe na siyang anak din ng nag-utos.

Ayon kay Justice Assistant Secretary Eliseo Cruz, nahaharap ang mag-asawang ito sa patung-patong na mga kasong obstruction of justice, perjury, at grave coercion.

“Inaresto na ngayon itong mag-asawa na si Alvin at Cristina Bernabe. Kaya ngayon nakasuhan sila ng CIDG ng kasong obstruction of justice, perjury, atsaka grave coercion,” ani ASec. Eliseo Cruz ng Department of Justice.

Buhat nito’y positibong sinabi ni Justice Secretary Remulla na magpapatuloy pa rin ang nakatakdang Preliminary Investigation bukas sa ‘missing sabungeros case’.

Ito’y sa kabila ng mga tangkang panunuhol sa mga kaanak ng mga nawawalang sabungero para iatras ang kanilang inihaing reklamo laban kina Atong Ang at iba pang umano’y sangkot sa kaso.

“Tuloy yan, tuloy yan kasi nga marami namang nagrereklamo eh. Sinisikap pa rin nila mawala itong mga taong ito nagrereklamo,” ani Sec. Jesus Crispin Boying Remulla ng DOJ.