-- Advertisements --

Nakukulangan si ACT Teachers Party-list Rep. France Castro sa nakatakdang salary hike sa mga guro simula sa susunod na taon.

Iginiit ni Castro na malayo sa kanilang panawagan na “substantial salary increase” ang P31 billion na inilaan ng pamahalaan sa wage hike ng mga guro at iba pang government employees para sa susunod na taon bilang bahagi ng first tranche ng Salary Standardization Law 5.

Ayon kay Castro, ito ay dahil binawasan din ang pondo mismo ng Department of Education para sa mga guro sa ilalim ng 2020 proposed P4.1 trillion national budget.

Kahapon, sinabi ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda na P110 billion ang gagastusin ng Duterte administration para sa salary increase ng mga empleyado ng gobyerno, kabilang na ang mga nurses at guro, sa susunod na tatlong taon.

Kapag naipatupad, tataas ng 15% sa loob ng tatlong taon ang sahod ng mga ito.