Kinumpirma ngayon ng Department of Health (DoH) ang ika-walong kaso ng polio dito sa bansa.
Ayon sa DoH, ito ay matapos magpositibo ang samples na ipinadala sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at National Institute of Infectious Diseases ng Japan.
Ang pinakahuling kaso ng polio ay isang siyam na taong gulang na batang babae mula Basilan na hindi pa raw naturukan ng ano mang Polio vaccine.
Dahil dito, nakikipag-ugnayan na ang DoH sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM)-Ministry of Health para ma-maximize ang immunizationmaximize immunization coverage at mapalawig pa ang polio vaccination efforts sa Basilan.
Siniguro naman ni Health Secretary Francisco Duque III na sapat ang stocks ng oral polio vaccine at tuloy-tuloy naman ang kanilang pagtatrabaho para sa immunization program bilang tugon sa polio outbreak sa bansa.