-- Advertisements --

Umaasa si Pangulong Bongbong Marcos na i-reconsider ng Court of Appeals na maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) na isuspinde ang implementasyon ng South Premier Power Corp. (SPPC) Power Supply Agreement (PSA) sa Manila Electric Co. (Meralco).

Ginawa ng Pangulong Marcos ang pahayag matapos maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Court of Appeals Fourteenth Division pabor sa SPPC na subsidiary ng San Miguel na may 60-day effectivity mula sa service on the respondents.

Dahil dito nagpahayag ng pagkabahala ang Pangulo sa posibleng adverse effects nito na magdudulot ng dislocations at posibleng pagtaas ng kuryente.

“We hope that the CA will reconsider. And include in their deliberations the extremely deleterious effect this will have on power prices for ordinary Filipinos,” pahayag ng Pangulong Marcos jr.

Una rito, tinanggihan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang panukalang pagtaas ng preso sa kuryente.

Una rito, tinanggihan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang panukalang pagtaas ng preso sa kuryente.

Magugunitang, pinagbigyan ng Court of Appeals ang bid ng San Miguel Corporation (SMC) power subsidiary na suspindihin ang utos ng Energy Regulatory Commission (ERC) na tumatanggi sa petisyon para sa mas mataas na singil.

Batay sa pagsisiwalat sa Philippine Stock Exchange nitong Biyernes, kinumpirma ng SMC na nakatanggap na ito ng kopya ng desisyon na ginawa ng 14th division ng CA na nagbigay ng joint petition na inihain ng South Premier Power Corporation (SPPC) at ng Manila Electric Company (Meralco).

Ang pansamantalang restraining order ay mananatili sa loob ng 60 araw.

Sa bisa, suspindihin din ng stay order ang power supply deal ng conglomerate sa Meralco na pinapagana ng Ilijan Natural Gas plant sa Batangas.