-- Advertisements --

Ikinalungkot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang nangyaring pag-atake ng ng ISIS sa concert hall sa Moscow, Russia na ikinasawi ng nasa 115 katao.

Nagpa-abot din ang Punong Ehekutibo ng kaniyang simpatiya at pakikiramay sa pamilya ng mga inosenteng biktima.

Ipinunto ng Presidente na nakikiisa ang Pilipinas sa tindig ng pagkakaisa para kondenahin ang anumang pag-atake ng teroristang grupo.

” I am profoundly saddened by the innocent lives lost in the horrific ISIS attack at the concert hall in Moscow. My deepest condolences to the families affected by this senseless act of terrorism. We stand united in condemning terrorism in all its forms,” pahayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.

Batay sa ulat ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Sabado na walang Pinoy na iniulat na nasaktan o nasawi naturang terror attack.

Ayon naman kay DFA spokesperson Teresita Daza na ligtas ang mga Pinoy na nasa Russia, batay sa impormasyon mula sa Philippine Embassy doon.

Pinayuhan ang mga Pinoy sa Russia na lalong mag-ingat kasunod ng nangyaring pag-atake.

Nasa 11 suspek na umano ang inaresto, kasama na ang sinasabing apat na lalaking namaril sa Crocus City Hall na puno nang mga tao.