-- Advertisements --

Nananawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr, sa mga nagsusulong na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas na itigil na ang panawagang nito.

Siniguro ng Pangulo, malabong maisakatuparan ito dahil naka-angkla ito sa maling basehan, at taliwas sa itinatakda ng Konstitusyon.

Sabi ng pangulo, ang mga lider aniya sa BARMM tumatanggi sa nasabing proposal na paghihiwalay ng Mindanao.

Maging ang iba pang political leaders sa rehiyon ay tutol rin dito.

Pagbibigay diin ng pangulo, mayroon nang tunay, epektibo, at gumaganang local autonomy sa bansa, lalo na sa BARMM, nang hindi nako-kompromiso ang national intergrity ng bansa.

Sabi ng pangulo, ang paghihiwalay sa Mindanao ay hindi ang Bagong Pilipinas na hinu-hubog ng Marcos Administration, lalo’t pagkakawasak lamang ang isinusulong ng mga panawagang ito.

Ang Konstitusyon aniya ay nananawagan ng pagkakaisa at pagiging undivided ng bansa.

At walang anomang nilalaman ang Konstitusyon na pumapayag sa paghihiwalay ng anomang bahagi ng Pilipnas.

” I strongly appeal to all concerned to stop this call for a separate Mindanao, This is a grave violation of the Constitution. Hindi ito ang Bagong Pilipinas na ating hinuhubog bagkus ito ay pagwasak mismo sa ating bansang Pilipinas,” pahayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.