Naniniwala si Senador Sherwin Gatchalian na ’very stable’ ang pamumuno ni Senate President Vicente Sotto III sa Senado.
Ito ay kasunod ng naging pahayag kamakailan ni Sen. JV Ejercito na siya, kasama ang apat pang senador, ay nagplano na kumalas sa majority bloc matapos masangkot ang ilang dating at kasalukuyang senador sa umano’y maanomalyang flood control projects na iniimbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee.
Sa katunayan aniya kay Sotto nanggaling ang mungkahi na sa plenaryo ng Senado gawin ang amyenda para maging bukas at transparent sa publiko.
Nagkasundo na rin daw sila kasama si Pangulong Bongbong Marcos Jr., na hindi na ipatutupad ang Certificate of Urgency sa national budget.
Kinumpirma rin ng senador na mananatili siya sa majority bloc sa ilalim ng pamumuno ni Sotto.
Inamin ni Gatchalian na nag-uusap sila ni Ejercito ngunit hindi na niya ibinahagi pa kung tungkol saan ito.
Aniya, mahalaga sa kanya ay maiayos ang 2026 national budget at matulungan ang mga naapektuhan ng malakas na lindol na tumama sa Cebu.
Nauna nang sinabi ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Senador Panfilo Lacson na halos lahat ng senador sa 19th Congress ay nagsingit ng hindi bababa sa P100 bilyon sa 2025 national budget.