-- Advertisements --
Nag-overshoots sa runway ng Mactan Cebu International Airport (MCIA) nitong Linggo ng gabi ang isang pampasaherong eroplano mula sa Korea.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na mula sa Incheon Airport sa South Korea ang Korean Air KE 631 ng ito ay mag-overshoot sa runway ng nasabing paliparan.
Itinuturing dahilan nito ay ang hindi magandang lagay ng panahon bago lumapag ang nasabing eroplano.
Pansamantalang itinigil ang lahat ng operations ng MCIA habang ang ibang flights ay nai-divert sa Davao at iba naman ay nakansela o nadelayed.
Agad namang ng rumesponde ang Lapu-Lapu City Disaster Risk Reduction and Management Council at inaalam pa nila ang sanhi ng incidente.