Kinokontra ng pamilya ng dating DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral ang utos ng mga awtoridad na magsagawa ng autopsy sa bangkay nito.
Ito ay kahit pa hiniling ng DOJ at DILG sa NBI at PNP ang pagsasagawa ng naturang proseso.
Ang hakbang na ito ay upang matukoy ang dahilan ng pagkakasawi ng dating opisyal ng DPWH.
Ipinag-utos din ang DILG ang DNA test para sa pagkakakilanlan, na tinutulan ng asawa ni Cabral na si Cesar.
Ayon sa asawa nito, kilala niya at ng kanyang mga anak ang katawan ng kanyang asawa.
Tumanggi ang pamilya sa autopsy at gustong iuwi si Cabral para sa Pasko, dahil naniniwala silang aksidente ang kanyang pagkamatay.
Kinumpirma ni Cesar na nasa Baguio si Cabral para magpahinga at binanggit ang isang pag-uusap tungkol sa hindi niya pagdalo sa isang pagpupulong ng ICC, ngunit hindi pa isinasantabi ng pulisya ang angulong foul play.
















