-- Advertisements --

Hindi sang-ayon ang mga pamilya ng biktima ng pagbagsak ng Jeju Air Flight 226 sa inilabas na resulta ng imbestigasyon ng mga otoridad.

Base sa inisyal na inilabas na imbestigasyon na nagkamali umano ang piloto na pindutin ang pagpatay sa makina ng eroplano.

Sinabi ng mga kaanak ng biktma na hindi dapat isisi lang sa piloto at dapat ay tignan ang ilang mga factors sa aksidente.

Magugunitang patay ang 181 na pasahero ang nasawi ng makaranas ng bird strike ang pampasaherong eroplano noong Disyembre 29.

Sinubukan ng piloto na lumapag sa kabilang direction hanggang mag-landing ito ng walang landing gear na nagresulta sa pagsadsad sa runway.

Ang makina ng eroplano ay ipinadala pa sa France para sa pagsusuri kung saan sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad sa South Korea na namali ang pagpatay ng piloto na makina.