CAGAYAN DE ORO CITY – Ipinaubaya na ng Cagayan de Oro City Police Office (COCPO) sa National Bureau of Investigation (NBI-10) ang pag-iimbestiga sa nangyaring pagbaril sa isang menor de edad na buntis sa labas ng Hall of Justice sa Upper Carmen sa lungsod.

Ito ay matapos humiling ang pamilya ni JD Ceniza na ang NBI ang mag-imbestiga sa pagbaril sa kanya.

Wala namang sinabi si COCPO spokesperson Major Evan Viñas na kaya nila pinagbigyan ang hiling ng pamilyang Ceniza dahil sa pagkasangkot ng kanilang kabaro na si Maj Albart Tare lalo na’t una nang nagsampa ng kaso sa isa’t isa si Tare at ang biktima.

Ayon kay Viñas, sa ngalan ng delicadeza, himingi na rin sila ng tulong sa NBI upang magsagawa ng patas na imbestigasyon sa incidente.

Si Ceniza ay nasa mabuting kalagayan na matapos binaril ng motorcyle in tandem suspects.