Kinoronahang Miss United Continents ang pambato ng Pilipinas na si Camelle Mercado na ginanap sa Parque Las Vegas sa Portoviejo, Ecuador.
Ito na ang ikalawang korona ng Pilipinas sa naturang pageant.
Nagtapos namang first runner up ang kandidata ng host country na si Ivanova Velez at sinundan ni Karen Ortiz mula Colombia, Lis Arbelaes mula Venezuela, Gretha Matiauda mula sa Paraguay at Ayram Ortiz na taga Mexico.
Agad namang nagpaabot ng pagbati ang Miss United Continents Philippines Organization.
“CONGRATULATIONS!!! MISS UNITED CONTINENTS 2022 – CAMELLE MERCADO. We’re so proud of you!!! Mabuhay Pilipinas!,” base sa post ng Miss United Continents Philippines Organization.
Ang 26-year-old resort ambassador mula Floridablanca, Pampanga ay nagtapos ng bachelor’s degree in secondary education at nagtatrabaho na ito bilang guro.
Kung maalala, noong 2016 nang ibulsa ng Pinay na si Jeslyn Santos ang korona sa naturang pageant.