-- Advertisements --

Posibleng isagawa raw bukas ng Department of Social Welfare and Development ang pamamahagi ng cash assistance para sa mga nagmamay-ari ng mga bahay na nasira dahil sa pananalasa ng Severe Tropical Storm Paeng.

Ayon kay DSWD Sec. Erwin Tulfo, ang pamamahagi ay posibleng simulan bukas, October 31 i sa Martes November 1.

Ang pondo ay manggagaling daw sa assistance to individuals in crisis situations (AICS) program ng ahensiya.

Partikular na bibigyan ng tulong at uunahin ng DSWD ay ang mga bahay na slightly damaged.

Mas uunahin daw muna kasi nila ang feeding sa mga kababayan nating hindi pa kumakain at nananatili sa mga evacuation centers.

Sa situational report of the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 714 na kabahayan na ang na-damage dahil sa bagyong Paeng.

Sa kabuuang bilang, nasa 555 ang partially damaged at 159 naman ang totally damaged.

Sinabi ni NDRRMC chair Jose Faustino Jr. na kabilang daw sa mga direktiba ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa DSWD ay ang pamamahagi ng AICS kapag naging normal na ang sitwasyon.