mask3

Walang nakikitang masama ang Palasyo sa pagbebenta ng Halloween mask na hango sa mukha ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, na talagang kinakatakutan ang Pangulo laban sa mga kriminal.

Nagpapakita lamang umano na sikat ang Pangulo maging sa ibang bansa sa paglaban sa mga iligal na aktibidad.

Magugunitang patok sa online ang pagbebenta ng maskara para sa Halloween na hango sa mukha ni Pangulong Duterte.

Mabibili ang nasabing maskara sa online ng $32.99 o P1,600.