Tinawag na ‘hearsay” o haka-haka lamang ng Malacañang ang naging akusasyon laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi ni Presidential Communications Office’s Acting Secretary Dave Gomez, na ang akusasyon ay walang kumpletong basehan at mga ebidensiya.
Ang pangulo mismo ang naglantad ng lahat ng mga anomalya sa flood control kung saan gumawa ito ng hakbang para na ang mga nasa likod ay sampahan ng kaso.
Bukod pa dito ay marapat na maibalik ang mga yaman at maaayos ang lahat ng hindi na maulit muli sa sistema.
Hinamon din nito si dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co na umuwi at panumpaan ang mga alegasyon nito.
Magugunitang inakusahan ni Co ang pangulo at pinsan nitong si dating Speaker Martin Romualdez kasama ang ilang cabinet members na nag-insert ng P100-bilyon mula sa national budget.
















