-- Advertisements --

Iginiit ni Presidential Spokesman Sec. Harry Roque na hindi ordinaryong dayuhan ang mga pinapayagang papasok sa bansa simula Agosto 1.

Sinabi ni Sec. Roque, ito ay mga mga dayuhang may matagal ng visa para pumunta rito o manatili sa Pilipinas at ikonokonsidera na ang kanilang tahanan ay narito na sa bansa dahil sila ay mga permanent residents.

Ayon kay Sec. Roque, dadaan sa proseso ang lahat ng dayuhang papasok bansa para makasiguro na wala silang taglay na COVID-19.

Inihayag ni Sec. Roque na pagdating sa bansa ay sasailalim sa RT-PCR test ang dayuhan at habang naghihintay ng resulta ay mananatili muna ito sa quarantine facility na una na niyang nai-book bago pa man magtungo rito sa bansa.

Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay sa harap ng mga lumutang na pangamba na baka infected ng COVID-19 ang mga papasok na dayuhan sa bansa at magdala lamang dito ng virus.