Nakikiisa ang MalacaƱang sa paggunita ng trahedyang sinapit ng tinaguriang “SAF 44” na nasawi sa madugong operasyon laban sa mga terorista sa Mamasapano, Maguindanao, eksaktong limang taon na ngayon ang nakakaraan.

Noong Pebrero 2017, idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Enero 25 bilang “Day of National Remembrance” para alalahanin ang kabayanihan ng SAF 44, gayundin ang araw-araw na sakripisyo ng mga pulis at sundalong lumalaban sa mga kalaban ng estado para mapanatili ang kapayapaan at seguridad ng bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kasabay ng pag-aalala sa pangyayaring ito, dapat matutunan ang leksyon at pagnilayan ang pagkakamali ng napurnadang police operations para hindi na ito maulit.

Inihayag ni Sec. Panelo na patuloy tayong magdasal para sa kaluluwa ng SAF 44 na nagawaran ng PNP Medal of Valor o Medalya ng Kagitingan kasabay ng paghangad sa hustisya para sa mga nasawing SAF troopers at ng mga naulilang pamilya.

“As we recall the tragedy that befell the PNP officers in Mamasapano, Maguindanao and pay homage to the bravery and heroism of the 44 members of the Special Action Force, collectively known as the Fallen SAF 44, let us learn and reflect from the mistakes of this botched police operation that it will never happen again,” ani Sec. Panelo.

-- Advertisement --

“We continue to pray for the eternal repose of the souls of these valorous men in uniform who were recipients posthumously of the PNP Medal of Valor (Medalya ng Kagitingan) and hope that justice will finally come to give closure to these officers and their grieving families.”