Ikinalugod ng Malacañang na naaprubahan na ng bicameral conference committee ng Kongreso ang pinal na bersyon ng Bayanihan Act 2 na naglalaman ng P140 billion at karadagang P25 billion na standby fund.
Sinabi ni Presidenial Spokesman Harry Roque, nagpapasalamat sila sa kooperasyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso dahil sa mabilis na pagpasa ng Bayanihan Act 2.
Ayon kay Sec. Roque, sinisikap ng kanyang tanggapan na makakuha ng kopya ng bicam report para matalakay niya ito sa kaniyang press briefing.
Magugunitang kabilang ang Bayanihan Act 2 sa recovery plan ng pamahalaan para muling buhayin ang ekonomiya ng bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Una nang inihayag ni Sec. Roque na nakapaloob sa Bayanihan Act 2 ang mga pautang at suporta ng gobyerno sa mga maliliit na negosyo para makalikha ng hanapbuhay sa mga nawalan ng trabaho.