Nakapagtala ng paglago na 11.8 porsyento ang kabuuang pautang ng mga universal at commercial banks sa mga negosyo at mamimili noong Hulyo, base sa paunang datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Bahagyang bumagal ito kumpara sa 12.1 porsyentong paglago noong buwan ng Hunyo.
Matapos ikonsidera ang mga pagbabago, tumaas ng 0.7 porsyento ang kabuuang pautang noong Hulyo.
Para sa mga nasa bansa, umakyat ng 12.4 porsyento ang pautang mula sa 12.6 porsyento noong nakaraang buwan.
Samantala, patuloy na bumaba ang loans sa mga nasa ibang bansa ng 8.1 porsyento, mas malaki kaysa sa 6.4 porsyentong pagbaba noong Hunyo.
Ang mga pautang para sa mga business activities ay lumago ng 10.8 porsyento, mas mabagal kumpara sa 11.1 porsyento noong Hunyo.
Tumaas naman ang pagpapautang sa mga sumusunod na sektor:
Real estate (10.7%)
Elektrisidad, gas, steam, at air-conditioning supply (30.3%)
Wholesale at retail trade, pati na rin ang pagkukumpuni ng mga sasakyan (8.5%)
Financial at insurance activities (13.1%)
Information and communication (8.5%)
Samantala, ang mga consumer loans sa mga nasa Pilipinas, kabilang ang credit card, auto loan, at salary loan, ay lumago ng 23.6 porsyento, ngunit bahagyang bumaba mula sa 24.0 porsyento noong Hunyo.
Ayon sa BSP, patuloy nilang binabantayan ang galaw ng pagpapautang ng mga bangko bilang mahalagang bahagi ng pagpapatupad ng monetary policy.
Tiniyak ng BSP na mananatiling nakaayon ang kondisyon ng domestic liquidity at bank lending sa layunin nitong mapanatili ang katatagan ng presyo at pananalapi sa bansa.