Handa umano ang gobyerno na pagkalooban ng seguridad si P/Lt.Col. Jovie Espenido kung kanya itong hihilingan.

Magugunitang natatakot umano si Espenido para sa kanyang buhay dahil sa posibleng pagtumba sa kanya ng kapwa pulis matapos siyang maisama sa drug list ng PNP.

Kasabay nito, muling sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nananatili pa rin ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Espenido sa kabila ng nasabing report.

Inihayag ni Sec. Panelo na hanggang sa ngayon ay wala pang natatanggap na impormasyon si Pangulong Duterte na magpapabago sa kanyang pagkakakilala at tiwala kay Espenido.