Nilinaw ngayon ng Department of Education (DepEd) na hindi sakop ng postponement para sa pag-iingat sa Wuhan coronavirus o novel coronavirus (nCoV) ang nalalapit na Palarong Pambansa.
Matatandaang inanunsyo ni DepEd Sec. Leonor Briones sa pagdinig ng Senado na hindi muna itutuloy ang malalaking aktibidad ng ahensya para sa Pebrero, partikular na ang mga regional athletic events.
Paliwanag ng kagawaran, sa Mayo pa naman ang national sporting event kaya ikinokonsidera pa rin nila itong ituloy.
“We reiterate that the Palarong Pambansa is NOT included in the list since it will open May this year,” pahayag ng DepEd sa pamamagitan ng kanilang Official Twitter account.
Tiniyak naman ng ahensya na patuloy nilang imo-monitor ang kalagayan ng mga mag-aaral, guro at iba pang empleyado para matiyak na ligtas ang mga ito sa panganib na dala ng Wuhan coronavirus.