-- Advertisements --

Pumanaw na ang kilalang Italian designer na si Giorgio Armani sa edad na 91.

Ayon sa kumpanya na kahit sa huling araw ng kaniyang buhay ay ibinigay pa rin nito ang oras sa kumpanya.

May mga maraming plano pa itong inilatag para sa kumpanya.

Hindi na nila binanggit pa ang dahilan ng kaniyang kamatayan.

Nasa mahigit 65 taon ito sa fashion industry kung saan sa kalagitnaan ng taong 1960 ng makasama ito bilang menswear designer ng isa ring sikat na designer na si Nino Cerruti.

Naging freelance designer ito sa ilang mga fashion houses hanggang maglunsad ng sariling brand kasama ang partner nitong si Sergio Galeotti noong Hulyo 1975.

Aabot na ngayon sa mahigit $10 bilyon ang yaman ng kaniyang kumpanya.

Nakilala rin si Armani bilang unang designer na nagbawal sa mga underweight models mula sa runway matapos ang pagkamatay ng modelong si Ana Carolina Reston noong 2006 dahil sa anorexia nervosa.

Siya ang nasa likod ng mga suot ng ilang sikat na mga celebrities gaya nina Zendaya, Cate Blanchett , Julia Roberts at Lady Gaga.