-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Magpapatuloy ang Palarong Pambansa 2026 na gaganapin sa Agusan del Sur ngayong May a-24 hanggang Mayo a-31ngayong taon sa kabila ng krisis na kinakaharap ng bansa.

Ayon kay Department of Education Undersecretary for Operations at Palarong Pambansa Secretary General Malcolm Garma, mayroon lamang iilang mga konsiderasyon silang kinokonsidera kasama na dito ang hindi maiiwasang pangyayari gaya ng posibleng paghinto sa biyahe ng eroplano at barko na makaka-apekto sa aktibidad.

Sa ngayo’y magpapatuloy ang malaking paghahanda sa lalawigan ng Agusan del Sur kasama ang ibat-ibang rehiyon matapos ang tatlong araw na .

Dagdag pa ni Garma na ito rin ang katuparan ng mga pangarap ng maraming atleta na makasali at maranasan ang Palarong Pambansa.”