Inanunsiyo ng Philippine Airline ang pagsisimula na sa pag-divert ng ilan nilang biyahe patungong NAIA bilang pagsunod na rin sa direktiba ng IATF.
Ipinaalam ng PAL na ang kanilang PR flight 5683 mula sa Dammam patungong Cebu ay diverted ang biyahe sa NAIA sa Sabado.
Ang isa pang eroplano na lalapag din sa Cebu mula sa Dammam ay diverted muna sa NAIA sa May 31.
Una nang sinabi ng Mactan-Cebu International Airport na naabisuhan na nila ang mga airline companies sa bagong patakaran simula sa Sabado hanggang June 5, 2021.
Sa Metro Manila kasi may sapat na quarantine facilities para sa mga dumarating na mga pasahero.
Inaasahang libu-libo umanong mga pasahero ang maapektuhan sa pansamantalang pag-divert ng flights patungong NAIA imbes na sa Mactan International Airport.