-- Advertisements --

Binigyang linaw ng Bureau of Immigration (BI) na hindi pa aprubado ang border system modernization project.

Kasunod ito sa pagkalat ng ulat na sisimulan na ng ahensiya ang paniningil ng nasa P480 na fee mula sa mga travelers.

Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado na kaniyang ipinag-utos ang malalimang imbistigasyon sa nasabing usapin.

Magkakaroon pa ng konsultasyon sa mga stakeholders para sa panukalang $4 o nasa P247 na user fee sa ilalim ng Civil Aviation and Immigration Security Service (CAISS) project.

Paglilinaw ng opisyal na wala pang pinal na desisyon at ito ay patuloy na pinag-aaralan.