Pansamantalang sinuspende ng Hong Kong ang flights ng Philippine Airline (PAL) sa loob ng dalawang linggo epektibo nitong nakalipas na araw, August 29 na magtatagal hanggang September 11, 2021.
Ginawa ng gobyerno ng Hong Kong ang naturang hakbang matapos na makumpirmang pitong kaso ng COVID-19 ang na-detect na nanggaling sa Manila sakay ng PAL flight PR300.
Ayon sa presidente ng Overseas Employment Centre na si Mike Cheung Chung-wai, may malaking impact aniya ang pagsuspinde ng Hong Kong sa flights ng PAL sa mga employers maging sa mga clients sa hinaharap na magdadalawang isip na maghire ng mga helpers overseas.
Ang Philippine Airlines ang isa sa mga naghahatid ng maraming bilang ng domestic workers mula Pilipinas papuntang Hongkong.
Ayon kay Thomas Chan Tung-fung , chairman ng Hongkong Union of Employment Agencies na na hindi naman aniya gaanong malala ang impact ng flight suspension ng PAL ang mga apektadong employers at nakikitang solusyon ang rebook ng flights ng mg adomestic workers dahil nananatili pa rin namang operational ang dalawang iba pang airlines, ang Cathay Pacific Airways at Cebu Pacific Air.