-- Advertisements --

CEBU CITY – Bumuhos ng pakikiramay ang mga opisyal ng Cebu sa pagpanaw ni Cebu City North District Congressman Raul Del Mar.

Si Cebu City Mayor Edgardo Labella, at iba pang opisyal ay naglabas ng pahayag sa kanilang labis na kalungkutan sa magkamatay ng Kongresista.

Inilalarawan nito ang Kongresista bilang isang ‘dakilang tao’ kung saan sinabi iniwan nito ang pamana ng pamumuno ng gobyerno at naging isang inspirasyon at malaking karangalan sa mga Cebuano.

Habang nagbigay na rin pakikiramay si Mayor Labella at iba pang opisyal sa pamilya ng Kongresista.

Dahil dito naglabas nga bagong Executive Order si Labella nalalagda sa days of mourning sa Nobymebre 17 hanggang sa Nobyembre 22 bilang pagbibigay pugay sa pumanaw na kongresista.

Pumanaw si Congressman Del Mar kagabi sa isang pribadong ospital sa Manila sa edad na 79 taong gulang habang uma-attend sa isang virtual session sa kongreso.

Naging principal author si Del Mar sa RA 11122 na nagdedeklara sa Setyembre 21 na isang working holiday sa mga lungsod at lalawigan sa Cebu.