Duterte podium
Presidnet Duterte

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kababayan na tulungan ang mga nangangailangan.

Sa kaniyang Christmas message, hiniling nito sa lahat na dapat sundin ang yapak ni Hesus Kristo na bukas ang puso at palad sa pagtulong.

Maging isang inspirasyon ang lahat ng mga Filipino sa buong mundo kahit na sa munting pagtulong.

Binigyan nito ang kahalagahan ng pamilya na siyang sentro ng kasiyahan ngayong Pasko.