Nanindigan si dating Integrated Bar of the Philippines (IBP) President Domingo Cayosa walang mali sa ginawa ng House Justice Committee na pagtalakay sa mga bank transactions nina VP Sara Duterte at Atty. Mans Carpio.
Giit ng abogado, malinaw ang sinasabi ng batas na ang impeachment cases ay exemption sa Bank Secrecy Law.
Pinapayagan aniya ng naturang batas ang Kongreso o ang impeachment court na suriin at pag-aralan ang bank records ng sinumang sumasalang sa impeachment proceedings.
Maliban dito, ang mga record ng AMLC ay itinuturing din bilang public records kata’t hindi matatanggihan ng konseho ang subpoena na ipapadala ng Kongreso o ng anumang korte na may subpoena powers.
Tungkuliln aniya ng konseho na mag-report sa Kongreso salig sa nilalaman ng subpoena at sa itinatakda ng anti-money laundering law.
Tahasan ding kinuwestyun ni Cayosa ang ginawa ng kampo ni Atty. Manases Carpio na pagsasampa ng kasong paglabag sa bank secrecy law.
Aniya, maling batas ang ikinukunsidera ng naturang kampo dahil ang inilabas ng komite ay pawang mga report ng AMLC at hindi mga bank deposit ng mag-asawa.
Kung babalikan ay kabilang ang mga opisyal ng AMLC sa mga kinasuhan ng kampo ni Atty. Manases Carpio kamakailan, kasunod ng April-22 hearing ng justice panel. (report by Bombo Genesis)















