-- Advertisements --

Nagpahayag ng suporta ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Mandatory Military Service na isinusulong ni Vice Presidential Candidate Sara Duterte.


Ayon kay AFP Spokesperson Col. Ramon Zagala, ang nais na ipatupad na hakbang ng anak ng Pangulo kung siya ay manalo bilang bise presidente ay napapanahon lang.

Sa gitna aniya ng pagharap ng pamahalaan sa iba’t ibang pagsubok, hangad din ng AFP na ang bawat mamayan ay makatulong sa “nation Building”.

Ang pag-require sa lahat ng mamayan na nasa wastong edad na mag-alay ng serbisyo militar ay makakatulong aniya sa paglikha ng matatag na sandatang lakas, at malakas na bansa.