-- Advertisements --

Nakalatag na ang pagbibigay ng seguridad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa nalalapit na kauna-unahang parliamentary election sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon kay AFP spokesperson Colonel Francel Padilla na mayroon na silang mahigpit na koordinasyon sa Philippine National Police (PNP) at maging sa Commission on Election (COMELEC).
Nakatuon sila ngayon sa pagbibigay ng seguridad para sa nasabing halalan na gaganapin sa Setyembre 14.

Dagdag pa nito na bukas sila anumang adjustment kung saan natitiyak niya na kanilang bibigyan ng seguridad hindi lamang ang mga botante ng Bangsamoro maging ang mga mamamahayag na magbabantay sa nasabing halalan.

Sapat din aniya ang kanilang bilang kung kaya’t hindi na kailangan pa ng dagdag na personnel subalit nakahanda naman sila na magdagdag ng mga sundalo kung ito ay hihilingin ng Commission on Election.

Sa ngayon ay wala pang nakikita ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ng anumang banta ukol sa nalalapit na Bangsamoro election at naniniwala si Padilla na magiging mapayapa ang halalan.