-- Advertisements --

Inaasahan ang pagsisimula ng rainy season sa unang bahagi ng Hunyo, ayon sa state weather bureau.

Ipinaliwanag ni weather specialist Benison Estareja, ang pagdedeklara ng pagsisimula ng panahon ng tag-ulan ay nananatiling imposible dahil patuloy na iiral ang easterlies o ang mainit na hanging nagmumula sa Pacific Ocean sa mga susunod na araw.

Inaasahan din aniya na ang westerlies ay iiral sa mga huling araw ng Mayo o mula Mayo 29 hanggang 31.

Nangangahulugan na posibleng magsimula ang rainy season sa mga unang araw ng Hunyo.

Samantala, asahan naman aniya na patuloy na makakaranas ang malaking bahagi ng Mindanao, Palawan at Visayas ng mga pag-ulan mula Huwebes hanggang Linggo dahil sa intertropical convergence zone (ITCZ).

Patuloy ding magdadala ng mainit at katamtamang lagay ng panahon ang easterlies sa ilang parte ng Luzon at Visayas at may mga tiyansang makaranas ng thunderstorms.