-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Nagsanay na ang mahigit 300 mga miyembro ng Joint Peace and Security Team (JPST) sa PNP- BARMM Regional Office sa Camp SK Pindatun, Parang, Maguindanao.
Ang mga nagsanay ay kinabibilangan ng 96 na mga pulis, 77 mga sundalo at 152 mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front-Bangsamoro Islamic Armes Forces (MILF-BIAF).
Magtatagal ng isang buwan ang pagsasanay bilang bahagi ng normalization plan ng gobyerno at MILF.
Ang mga tauhan ng JPST ay itatalaga sa mga conflict-affected area na base sa rekumendasyon ng GPH at MILF.
Ang mga MILF combatant na sumailalim sa pagsasanay ay tatanggap din ng socio-economic package kahit hindi pa decommissioned ang mga ito.