-- Advertisements --

Inamin ng ilang opisyal ng NBA na pinag-aaralan na rin nila ngayon na magsagawa ng outdoor games sa gitna ng patuloy na nararanasan na COVID pandemic.

Kung maalala maraming mga games ang nakansela nitong nakalipas na season dahil sa pagkahawa sa virus ng ilang mga players at ilan mga staff ng koponan.

Sa katunayan ayon kay Evan Wasch, ang NBA vice president of basketball strategy and analytics, interesado sila na isagawa ito lalo na at magpapadagdag daw ito sa paghakot sa mga fans na manood ng personal sa mga venue ng laro.

Nitong nakalipas na dalawang season ipinatupad ang malaking pagbabago sa NBA na tinaguriang play-in tournament at sinasabing nagustuhan naman daw ito ng mga fans.

Samantala mahigit na lamang isang buwan o sa October 19, ay magsisimula na ang pinakaabangang bagong season ng NBA.