-- Advertisements --

“Welcome” sa liderato ng AFP na mapabilang sa bagong bubuuing peace panel sakaling matutuloy pa ang pakikipag-usap sa komunistang grupo.

Ayon kay AFP Public Affairs office chief Col. Noel Detoyato, bukas ang militar sa anumang hakbang na isusulong ng pamahalaan tungo sa kapayapaan ng bansa.

Sinabi ni Detoyato, panahon na aniya na wakasan ang 50 taong “panloloko, pananamantala sa mga katutubo at pangingikil” kaya nakahanda ang AFP na isulong ang pangmatagalang kapayapaan.

Pero giit ni Detoyato, bago matuloy ang usapang pangkapayapaan sa mga komunista ay kailangan munang magpakita ni Sison ng “katinuan at kalinawan.”

Marami aniyang daan tungo sa kapayapaan, pero ang landas na tinahak ni Sison ay hindi kabilang sa mga ito.

Mas pabor aniya ang militar na dito sa Pilipinas pagtulungang isulong ang kapayapaan, dahil ang problema ay narito at wala sa the Netherlands.