ROXAS CITY – Kinumpirma ng provincial director ng Capiz Police Provincial Office (CPPO) ang pagrelieve at pagtransfer sa apat na mga PNP personnel sa ibang istasyon ng pulisya sa lalawigan ng Capiz.

Kabilang sa inilipat na tatlong pulis mula sa President Roxas PNP ay sina Police Senior Master Sgt. Warren Fabros at Police Chief Master Sgt. Franklin Blanco na assigned na sa Tapaz Municipal Police Station, Police Master Sgt Jocelyn Fabros na inilipat sa Dumarao Municipal Police Station.

Mula naman sa Roxas City PNP, inilipat na sa Provincial Mobile Group sa bayan ng Dao si Police Lt. Glenn Hervias.

Ayon kay Police Colonel Canelo Fuentes, normal movement lamang na ma-transfer sa isang unit ng pulisya ang mga PNP personnel kung saan layunin nito na ma-balanse ang assignment ng mga personnel, madagdagan ang lakas ng police station at makapag bigay sila ng magandang performance sa kanilang trabaho.

Nauna rito kumalat ang balita na kaya ni-relieve ang nasabing mga police personnel dahil diumano nakita silang sumasama sa pangangampangamya ng ilang mga pulitiko.