Patuloy pa rin ang pagdalaw ng mga malalapit na kaibigan sa burol ni dating Pangulong Fidel V. Ramos sa Heritage Park, Taguig City.
Nitong gabi ng Linggo ay nagbigay pugay ang ilang mga kaibigan na mula pa sa ibang probinsiya at ilang mga lider mula sa progresibong grupo.
Ilan sa mga ito ay sina Alliance of Concerned Teachers Party-list Rep. France Castro at dating mga mambabatas na sina Satur Ocampo at Liza Maza.
Kasama ring dumalaw ang historian na si Xiao Chua na may dala pang libro at sumbrero na pirmado ng dating pangulo.
Sa gabi ay nagbigay pugay ang ilang mga nakasama ng dating pangulo.
Bago ang pagsisimula ng talumpati ng mga dating nakasama ay naghandog ng ilang kanta ang singer na si Dulce.
Ilan sa mga nagbigay tribute din na malapit na kaibigan ay si Doris Magsaysay, Major General Antony Alcantara, PBGen. Noel Baraceros at ang dalawang close-in security ng dating pangulo na sina TSgt. Jaime Ancheta at MSgt. William Tinte.
Ibinahagi naman ng pamangkin nito na si dating Alaminos City Mayor Hernani Braganza ang mga hindi malilimutang alaala ng dating pangulo ganon din si dating PNP chief at ngayon ay Gov. Hermongenes Ebdane.
Schedule ngayong araw, Monday, August 8
7:00 am – 4:00 pm Public Viewing
5:00pm – Service/Mass
6:30 pm – 8pm Prepared Tributes
10:00 pm onwards – end of visiting hours
Tuesday, August 9
10:00 am – Inurnment at Libingan ng mga Bayani