-- Advertisements --
ILOILO CITY- Nagmungkahi si National Task Force COVID-19 Contact Tracing Czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong upang mas mapadali ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng pasyente na positibo sa virus.
Ito ang sinabi ni Magalong, kasabay ng kanyang pakipagpulong kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas at sa ibang pang mga alkalde sa bansa.
Ayon kay Magalong, hihilingin nila sa pasyente na i-post nito sa kanyang social media account na positibo ito sa COVID-19.
Nilinaw naman ni Magalong na optional o hindi nila pilipitin ang pasyente kung nahihiya itong i-post sa social media ang kanyang personal na impormasyon.