Reading Time: 1 minute
pigs pork swine PSA African fever
Swine industry (file photo from PSA)

DAGUPAN CITY – Nagpalabas ng executive order si Pangasinan Gov. Amado “Pogi” Espino III, upang pansamantalang ipagbawal sa pagpasok sa lalawigan ng mga baboy at mga produkto mula.

Ito ang kinumpirma ni assistant provincial veterinarian Dr. Jovito Tavareros, sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, kasunod ng hindi pa maipaliwanag na pagkamatay ng mga alagang baboy sa tatlong barangay sa Rodriguez, Rizal partikular sa San Isidro, San Jose at Macabud.

Paliwanag ni Tavareros, ang hakbang na ito ng gobernador na inilatag sa ipinatawag nitong emergency meeting ay bilang pagprotekta sa swine industry ng probinsya mula sa banta ng anumang swine disease bagamat hindi pa kumpirmado ang tumama sa Rizal para maiwasang makarating sa Pangasinan.

Sa ngayon, nagsasanib puwersa aniya ang Provincial Agriculture Office, PNP Pangasinan, Bureau of Animal Industry at iba pang concerned agencies sa pagsasagawa ng checkpoint sa mga strategic areas papasok sa probinsya upang matiyak na hindi makakapasok sa area ang anumang pork products mula sa labas ng probinsya.