CAUAYAN CITY- Pinangunahan ni PLt. Gen. Guillermo Eleazar ang pagpapasinaya sa bagong tayong Himpilan ng Alicia Police station sa barangay Antonino.

Naitayo ang bagong pasilidad ng Alicia Police station sa pamamagitan ng PNP-DPWH convergence program na nagkakahalaga ng P9.5 million.

Ayon sa pamunuan ng Camp Rosauro Toda ang lupang pinagtayuan ng dalawang palapag na gusali ay ipinagkaloob sa PNP ni Dating SP member Manuel Alejandro.

Sa naging talumpati ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar, Deputy Chief for Administration ng PNP, sinabi niya na dapat ay pangalagaan at dapat mapanatiling malinis ng mga kasapi ng Alicia Police Station ang kanilang bagong tayong himpilan.

Iginiit nito na hindi lamang himpilan ng Pulisya ang dapat na linisin kundi maging ang buong hanay ng PNP sa pamamagitan ng kanilang internal cleansing.

Inihayag pa ni gen. Eleazar na bilang bahagi ng kanilang internal cleasing sa PNP ay nararapat lamang na hindi kokonsintihin ang mga maling gawain ng bawat miyembro ng PNP.