Nakikita ni Act Teachers party-list Rep. France Castro ang extension ng school year bilang paghirap sa mga estudyante, guro at mga magulang.
Ginawa ni Castro ang naturang pahayag matapos palawigin ng Department of Education (DepEd) ang school year para sa basic education ng hanggang Hulyo 10, 2021.
Nabatid na ang original schedule nang pagtatapos ng school year ay sa darating na Hunyo lang sana.
Iginiit ni Castro na kahit palawigin pa ang school year kahit hindi naman nasosolusyunan ang mga problema sa distance learning program ay lalo lamang magdurusa ang mga estudyante, guro at magulang.
Kung totoong hangad ng DepEd na magkaroon ng academic ease ay dapat sapat ang ibinibigay ng kagawaran na learning materials at may inihandang curriculum na akma sa blended distance learning.
Dapat kasi aniya ay makinig muna ang DepEd sa mga stakeholders bago magpatupad ng mga polisiya na hindi naman akma sa sitwasyon.
Dagdag pa nito, sa ngayon ay dapat mayroon na ring malinaw na plano ang pamahalaan para sa pagkakaroon ng lugtas na limited at voluntary in-person learning sa mga low-risk areas.
Dapat ay magkaroon din ng sapat na supplemental budget para sa lahat ng mga teaching at learning resources na kailangan sa distance learning.
Mainam din kung matitiyak ng pamnahalaan ang health protection at benefits ng mga education workers.