-- Advertisements --

Inilunsad ng Department of Information and Communications Technology ang National Amnesty Program para sa mga Colorum na Private Express at Messengerial Delivery Service companies.

Ayon sa kagawaran, layon sa naturang programa na mabigyan pagkakataon ang mga hindi nakarehistrong delivery service providers o colorum, na maging legal ang kanilang operasyon.

Kalakip nito ang walang pananagutan sa mga dati nilang nilabag o multang dapat sana’y ipapataw.

Kaya’t maaring makapagparehistro ang mga operator nang walang kinakailangan pang bayaran na kaukulang multa at administratibong parusa.

Ibinahagi pa ng kagawaran na mabilis lamang ang aplikasyon lalo pa’t sa pamamagitan na ito ng Application Portal sa online.

Hinihikayat ng DICT ang publiko partikular sa mga colorum operators na makiisa at samantalahin ang pagkakatong ibinigay o programang inilunsad.