Hinikayat ni Indonesian President Jokowi “Joko” Widodo ang Pilipinas na palakasin ang pagtutulungan para sa kaligtasan at seguridad sa mga border sa katubigan.
Sa kaniyang mensahe sa joint statement nila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi ni President Widodo na natutuwa siya na nalagdaan ang kasunduan hinggil sa cooperative activities sa larangan ng defense and security.
Nalulugod din aniya siya na muling napagtibay ang trilateral cooperative arrangement (TCA) sa pagitan ng tatlong bansa.
Mahalaga aniya ito para mapangalagaan ang ating mga karagatan laban sa mga banta ng hostage taking at kidnapping sa karagatan.
Para naman sa regional cooperation, sinabi ni President Widodo na palalakasin nila ang pagkakaisa ng ASEAN.
Tinitiyak aniya ng Indonesia na ang ASEAN ay mananatiling instrument ng kapayapaan, katatagan at pag unlad sa rehiyon at dapat malagpasan ang mga hamon sa hinaharap gayundin ang pagpapaigting ng pagrespeto sa ASEAN charter.