-- Advertisements --

Tinawag na grand robbery o garapalang pagnanakaw ni Senator Erwin Tulfo ang nangyari sa bilyun-bilyong pondo para sa maanomalyang flood control projects.

Nanlumo umano si Tulfo dahil sa kabila ng bilyon-bilyong pondong inilaan sa flood control projects, marami pa rin sa ating mga kababayan ang nalulubog sa baha.

Aniya, harap-harapang ninakawan ang taumbayan dahil sa kakulangan ng pananagutan.

Ayon sa senador, halos P996.5 bilyon o halos isang trilyong piso ang inilaan sa Department of Public Works and Highways (DPWH) mula sa General Appropriations Act (GAA) para sa Flood Management Program.

Sa kabila nito, nagpahayag ng suporta ang senador sa ginawang malalimang imbestigasyon ni Senator Ping Lacson upang papanagutin ang mga nasa likod ng umano’y iregularidad sa mga flood control projects ng pamahalaan.