-- Advertisements --

Nilinaw ngayon ng Malacanang na ang mga local government units (LGUs) ang magdedesisyon kaugnay ng bagong age group na papayagan nang lumabas sa gitna pa rin ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Una rito, labis na ikinatuwa ng mga senior citizen at ng mga kabataan ang pag-apruba ng Inter Agency Task Force (IATF) na payagan nang makalabas ang mga kabataang may edad 15 pataas maging ang mga seniors ha may edad na hanggang 65.

Pero ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nasa discretion pa rin ng mga LGUs kung anong age limit ang kanilang papayagan lalo na sa mga lugar na mayroong mataas pa ring kaso ng covid.

ANiya, nakadepende raw sa COVID-19 situation ang pagpayag ng mga LGUs na papayagang lumabas ng bahay.

Una rito, ang mga may edad na 21 hanggang 60 lamang ang pinayagang lumabas ng bahay dahil na rin sa pandemic.

Kabilang din dito ang mga buntis at mga may immunodeficiency, comorbidity at iba pang health risks.

Pinapayagan namang lumabas ang iba pa para makabili ng essential goods aat services maging ang mga mayroon nang trabaho.

Kung maalala, noong Lunes nang magdesisyon ang gabinete ng Pangulong Rodrigo Duterte na baguhin ang age group ng mga puwedeng lumabas.

Suportado rin ng gabinete ang mas maiksing curfew hours at multiple work shifts para sa mga workers at buyers na makapag-contribute sa ekonomiya.

Sa isinagawang press briefing ng IATF kanina, sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Usec Epimaco Densing III na suportado nila ang pagluluwag ng curfew sa ilang lugar sa bansa.

Nais din nilang magkaroon ng gradual expansion ng business capacity mula 75 sa 100 percent.

Una nang pinayagan ng IATF ang one-seat-apart policy sa public transport.