-- Advertisements --

Hindi nakikita ni Dr. Edsel Salvaña na magiging moderate risk classification ang National Capital Region sa susunod na linggo.

Binigyang-diin ni Salvaña na malayo tayo sa daily average attack rate para sa moderate risk classification na anim na kaso para sa bawat 100,000 dahil sa ngayon, nasa isang kaso lang tayo kada 100,000.

Base pa nga niya sa World Health Organization, dapat ay mayroong walong kaso kada 100,000 sa loob ng dalawang linggo para maiakyat ito sa moderate risk classification, kasama ang 50% o higit pa na healtcare utilization rate.

Ngayon aniya ay nasa 20% lamang ang healthcare utilization rate, nananatiling manageable sa usapin ng health care capacity.

Ayon kay Salvaña, meron nga siyang mga inaalagaan na COVID-19 patients nitong nakalipas na mga linggo subalit wala sa mga ito ang naospital, nabigyan nila ng tamang gamot at ngayon ay pawang magaling na.