-- Advertisements --
Itinuturing ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang paglabag sa karapatang pantao ang ginagawa ng mga senado na pagkulong sa mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical dahil sa pag-iwas sa mga katanungan ng senado.
Sa kaniyang talk to the people nitong gabi ng Lunes Setyembre 27, nanawagan ito sa mga human rights advocates kung ano ang masasabi nila sa pagkulong ng senado kay Pharmally director Linconn Ong.
Dagdag pa ng pangulo na tila walang due process sa ginawa ng mga senado.
Iginiit ng pangulo na ang ginawa ng senado ay mas masahol pa sa martial law.
Magugunitang iniimbestigahan ng senado ang pagbili ng medical supplies ng Department of Health (DOH) sa Pharmally.